LAYUNIN
Natutukoy at nakikilala ang uri ng
salitang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay
PAKSA
Salitang Binibigyang-turing ng Sugnay na Pang-abay
GAWAIN/PAGSASANAY
Alin ang
salitang binibigyang-turing ng sugnay na pang-abay? Anong uri ito ng salita?
1. Papasok siya sa paaralan nang maganap ang aksidente.
2. Kung nag-aral siya ng mabuti, nakapasa sana siya.
3. Dahil sa balita, agad siyang tumawag sa kanyang kapatid sa Cebu.
4. Masayang-masaya ang mga Pinoy nang dumating ang Papa sa Pilipinas.
5. Madalas mapagalitan si Noni kasi maingay siya.
6. Habang nakikinig siya sa akin, binatukan siya ni Armando.
7. Alerto ang mga bata tuwing may Earthquake Drill sa MES.
8. Biglang natumba ang batang tumatakbo kasi di niya nakita ang bato sa
dinadaanan niya.
9. Maingay sila nang umalis ang guro.
10. Kapag nakinig ka sa aking aralin, matututo ka.
PANGKATANG GAWAIN
Bilugan ang salitang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay at isulat
sa patlang kung anong uri ng salita ito.
1. Nainis ang guro sa kanya dahil maingay siya.
2. Kung pagbabasehan ang kanyang galing, siya ay napakagaling sa
Matematika.
3. Kapag nainis ako sa iyo, iiwanan kita.
4. Mahal na mahal ko siya kasi mabait siya sa akin.
5. Umaga na nang magising ako.
Kulayan ng Rosas ang salitang
binibigyang turing ng sugnay na Pang-abay at isulat sa patlang ang uri ng
salitang ito.
Nanalo sa larong Throwing si Keith kasi
nagpractice siya ng mabuti. Masayang-masaya ang kanyang ina dahil isasali siya
sa darating na Palarong Pambansa 2015. Agad na tinawagan niya ang kanyang
asawang nasa Saudi upang ibalita ang pagkapanalo ng anak. Sobrang saya ng asawa
niya nang malaman ang magandang balita. Ayon sa asawa, kapag manalo ulit ito sa
Palarong Pambansa, ibibili niya ito ng discuss.
Kopyahin ang salitang binibigyang turing ng sugnay na Pang-abay sa
Pangungusap at isulat sa patlang ang uri ng salitang ito.
Isang putok ang narinig ng isang babae habang
naglalakad siya sa tabi ng BPI Sta. Rosa Laguna. Nang dumating ang mga pulis,
nakita nila ang isang babaeng duguan. May tama siya sa kanang dibdib. Mabilis na
dinala ng mga pulis sa malapit na ospital ang biktima upang maisalba ang buhay
nito. Bago pa man makarating sa ospital, nawalan na ito ng buhay. Agad na
tinawagan ang mga kaanak ng biktima. Malungkot ang mga anak ng biktima nang Makita
nila ang walang buhay nilang ina. Samantala, ang nasabing bumaril sa biktima ay
hindi pa rin nahuhuli hanggang sa ngayon.
created by: confusedmind