Tuesday, February 17, 2015

Paggawa ng Balangkas

PAKSA
Paggawa ng Balangkas

LAYUNIN
Makagawa ng Balangkas

Gawain 1
Edukasyon Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa magandang kinabukasan. Uunlad ang ating bansa kapag ang mamamayan ay mayaman sa kaalaman. Mapapaunlad niya ang sarili upang makatulong sa iba. Ang edukasyon ang tanging makapagpapaunlad ng ating teknolohiya at kabuhayan ng bansa.

Alin ang pangunahing diwa ng talata
                     _____ 1. Ang edukasyon ay kailangan sa pagkakaroon ng                                          magandang bukas.
                     _____ 2. Ang bukas ay isang edukasyon.
                     _____ 3. Ang edukasyon ay makatutulong sa pag-unlad ng sarili 
                    upang tumulong sa iba.
   _____ 4. Maraming teknolohiya ang Pilipinas.

                     _____ 5. Mahirap ang kalagayan ng pag-unlad sa taong 2000.

GAWAIN 2
Kapaligiran Malimit na pagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinagbabahayan ng mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa palikuran. Ang pagwawalang-bahala ng mga mamamayan sa nayon, bayan, probinsya at maging sa siyudad ay patuloy na magdudulot ng suliranin. Lumingon ka at naroon ang polusyon. Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit? Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran!

Piliin ang pangunahing diwa sa talata. Isulat ang tamang sagot sa sagutang kuwaderno.
_____ 1. Ang kapaligiran ay pinagmumulan ng sakit.
_____ 2. Patuloy ang pagkakaroon ng laro.
_____ 3. Nagwawalang-bahala ang ibang mamamayan ng  
bansa ukol sa kapaligiran.
_____ 4. Magtulungan upang magkaroon ng malinis na
kapaligiran. _____ 5. Kalimutan ang pagiging
malinis.

            ____ 5. Kalimutan ang pagiging malinis.

GAWAIN 3
Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating mahalin ang kapwa at ang ating bayan. At ang higit nating pakamahalin ay ang Poong Lumikha sa atin.

Alin ang pangunahing diwa sa talata?
                             A.. Mahalin lamang ang kapwa.  
B. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan at poong Maykapal.
C. Tama na ang mabuhay sa mundo.
D. Mawala na ang lahat sa mundo.


No comments:

Post a Comment