Pagsasanay
A. Ituro ang mga
Pang-ukol sa bawat pangungusap. Anong ibig sabihin ng mga pang-ukol na ito?
1. Labag sa batas ng Diyos at ng tao ang pagpatay sa kapwa.
2. Ayon sa simbahan, ang capital punishment ay isang
kriminal ay labag sa kalooban ng Diyos.
3. Ang dapat daw maging hakbang ng pamahalaan ay tungo sa
tunay na pagbabago ng mga taong naligaw ng landas.
4. Para sa iba, ang mga taong gumawa ng karumal-dumal na krimen
ay nararapat lamang na bigyan ng parusang kamatayan.
5. Kailangan daw ang parusang kamatayan nang may katakutan
ang simumang magbalak na gumawa ng krimen.
B. Gamitin ang sumusunod sa pangungusap.
tungkol sa/kay para sa/kay nang may/walang
ukol sa/kay ayon sa/kay ni/nina
hinggil sa/kay labag sa ng
alinsunod sa/kay tungo sa sa
laban sa/kay kay/kina
C. Punan ang patlang
ng Pang-ukol na bubuo ng kaisipan ng mga pangungusap.
1. Ang mga bibingkang nasa hapag ay _____________ inyo.
2. Nag-uusap ______ may tabi ng daan ang magkumpare,
3. _____________ sa ikakasal ang mga handog na ito.
4. Hindi ______________ kanino man ang mga tuntuning
itinadhana ng batas.
5. __________ Nanay, pagbabakasyunin ka sa probinsya,
6. ______________ iba't ibang sasakyang panghimpapawid ang binasa
ko.
7. _______________ saan ang pinag-usapan ninyo?
8. ______________ ikapapayapa ng batan,
tayo ay dapat magtulungan.
No comments:
Post a Comment