Saturday, February 21, 2015

Pagtukoy ng Impormasyon sa Library Card

PAKSA: Pagtukoy ng impormasyon sa Library Card
LAYUNIN: Matukoy ang mga impormasyon sa LIbrary Card
Ika-apat na Markahan

GAWAIN: Anu-ano ang mga impormasyong makukuha mo sa Library Card na ito?
Library Card
Pangalan ng Aklat: Pluma 5
Pangalan ng May-akda: Dayag, Alma C

Petsa ng Paghiram,
Pangalan ng Humiram
Petsa ng Pagsauli
Pebrero 7, 2015
Marcus Laurel Jr.
Pebrero 8, 2015
Pebrero 9, 2015
Lydia Lara
Pebrero 10,2015

Pebrero 10, 2015
Dayla Mariano
Pebrero 11,2015

Demo Lesson Preparation

Good afternoon guys!
Tomorrow afternoon is my day. I will be the demonstration teacher. My topic is about "Pagtukoy ng Salitang Binibigyang Turing ng Sugnay na Pang-abay". 

I will take up two-skills in one lesson, that is identifying the word and the kind of word modified by adverb. It's quite difficult if the lesson is first time lesson to the kids. I already finished discussing the Sugnay na Pang-abay, the Pangatnig.

I already prepared the powerpoint presentation, the lesson printed and the group activity. What i need is how to present the lesson without forgetting any details. I will like to imagine the outcome tomorrow afternoon so that I can make it well.

I know my critique is there. She always think bad about me but I don't care. Most important, I will present the lesson and that's it. 

I am praying that everything will going well.

Wednesday, February 18, 2015

Paggamit ng Pang-ukol sa Pangungusap

Pagsasanay
A. Ituro ang mga Pang-ukol sa bawat pangungusap. Anong ibig sabihin      ng mga pang-ukol na ito?
1.    Labag sa batas ng Diyos at ng tao ang pagpatay sa kapwa.

2.    Ayon sa simbahan, ang capital punishment ay isang kriminal ay labag sa kalooban ng Diyos.

3.    Ang dapat daw maging hakbang ng pamahalaan ay tungo sa tunay na pagbabago ng mga taong naligaw ng landas.

4.    Para sa iba, ang mga taong gumawa ng karumal-dumal na krimen ay nararapat lamang na bigyan ng parusang kamatayan.

5.    Kailangan daw ang parusang kamatayan nang may katakutan ang simumang magbalak na gumawa ng krimen.

B.   Gamitin ang sumusunod sa pangungusap.

tungkol sa/kay              para sa/kay                nang may/walang
ukol sa/kay                   ayon sa/kay               ni/nina
hinggil sa/kay              labag sa                      ng
alinsunod sa/kay          tungo sa                     sa
laban sa/kay                 kay/kina


                           C. Punan ang patlang ng Pang-ukol na bubuo ng kaisipan ng mga                                                pangungusap.
1.    Ang mga bibingkang nasa hapag ay _____________ inyo.

2.    Nag-uusap ______ may tabi ng daan ang magkumpare,

3.    _____________ sa ikakasal ang mga handog na ito.
4.    Hindi ______________ kanino man ang mga tuntuning itinadhana    ng batas.

5.    __________ Nanay, pagbabakasyunin ka sa probinsya,

6.    ______________ iba't ibang sasakyang panghimpapawid ang                    binasa ko.
7.    _______________ saan ang pinag-usapan ninyo?

                 8.  ______________ ikapapayapa ng batan, tayo ay dapat                                  magtulungan.

Tuesday, February 17, 2015

Paggawa ng Balangkas

PAKSA
Paggawa ng Balangkas

LAYUNIN
Makagawa ng Balangkas

Gawain 1
Edukasyon Ang edukasyon ay isang proseso ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa magandang kinabukasan. Uunlad ang ating bansa kapag ang mamamayan ay mayaman sa kaalaman. Mapapaunlad niya ang sarili upang makatulong sa iba. Ang edukasyon ang tanging makapagpapaunlad ng ating teknolohiya at kabuhayan ng bansa.

Alin ang pangunahing diwa ng talata
                     _____ 1. Ang edukasyon ay kailangan sa pagkakaroon ng                                          magandang bukas.
                     _____ 2. Ang bukas ay isang edukasyon.
                     _____ 3. Ang edukasyon ay makatutulong sa pag-unlad ng sarili 
                    upang tumulong sa iba.
   _____ 4. Maraming teknolohiya ang Pilipinas.

                     _____ 5. Mahirap ang kalagayan ng pag-unlad sa taong 2000.

GAWAIN 2
Kapaligiran Malimit na pagmulan ng sakit ang maruming kapaligiran. Ang kanal na pinagbabahayan ng mga lamok ay di-pansin ng mga taga-nayon. Sa ilang mga liblib na pook ay kulang pa rin sa palikuran. Ang pagwawalang-bahala ng mga mamamayan sa nayon, bayan, probinsya at maging sa siyudad ay patuloy na magdudulot ng suliranin. Lumingon ka at naroon ang polusyon. Bakit hindi tayo magsama-sama? Hihintayin pa ba nating dumami ang magkakasakit? Kumilos ang lahat at linisin ang kapaligiran!

Piliin ang pangunahing diwa sa talata. Isulat ang tamang sagot sa sagutang kuwaderno.
_____ 1. Ang kapaligiran ay pinagmumulan ng sakit.
_____ 2. Patuloy ang pagkakaroon ng laro.
_____ 3. Nagwawalang-bahala ang ibang mamamayan ng  
bansa ukol sa kapaligiran.
_____ 4. Magtulungan upang magkaroon ng malinis na
kapaligiran. _____ 5. Kalimutan ang pagiging
malinis.

            ____ 5. Kalimutan ang pagiging malinis.

GAWAIN 3
Hindi sapat na mabuhay lamang tayo para sa sarili. Kailangan din nating mahalin ang kapwa at ang ating bayan. At ang higit nating pakamahalin ay ang Poong Lumikha sa atin.

Alin ang pangunahing diwa sa talata?
                             A.. Mahalin lamang ang kapwa.  
B. Mahalin ang sarili, kapwa, bayan at poong Maykapal.
C. Tama na ang mabuhay sa mundo.
D. Mawala na ang lahat sa mundo.


Paglalarawang Gamit ang Larawan

PAKSA; Paglalarawan


LAYUNIN
Ilarawan ang larawang ito gamit ang Pang-uri
GAWAIN 1
Si Cris ay __________________. (taas) Siya ay may_____________________balat. Siya ay may ___________________________buhok. ____________________ ang kanyang mga ngiti. Nakadamit siya ng ______________ na sleeveless at maong na __________________. Ang suot niyang tsinelas ay gawa sa abaka. Nakapameywang pa siya. Sa bandang likod ay makikita ang telang ____________ nakasulat. 
Sa lahat ng taong nakilala ko, siya ay ang ____________________. Siya ang aking kaibigang si Cris. Kilala mo ba siya?
GAWAIN 2
Sumulat ng isang sulating naglalarawan gamit ang mga pang-uri. Ilarawan ang kanyang pisikal na katangian at ang kanyang pag-uugali.


Larawan: Cris

Pagkilala ng Salita at Uri ng Salitang Binibigyang-Turing ng Sugnay na Pang-abay

LAYUNIN

Natutukoy at nakikilala ang uri  ng salitang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay 

PAKSA
Salitang Binibigyang-turing ng Sugnay na Pang-abay 


GAWAIN/PAGSASANAY

Alin ang salitang binibigyang-turing ng sugnay na pang-abay? Anong uri ito ng salita? 
1.      Papasok siya sa paaralan nang maganap ang aksidente.
2.      Kung nag-aral siya ng mabuti, nakapasa sana siya.
3.      Dahil sa balita, agad siyang tumawag sa kanyang kapatid sa Cebu.
4.      Masayang-masaya ang mga Pinoy nang dumating ang Papa sa Pilipinas.
5.      Madalas mapagalitan si Noni kasi maingay siya.
6.      Habang nakikinig siya sa akin, binatukan siya ni Armando.
7.      Alerto ang mga bata tuwing may Earthquake Drill sa MES.
8.      Biglang natumba ang batang tumatakbo kasi di niya nakita ang bato sa dinadaanan niya.     
9.      Maingay sila nang umalis ang guro.
10.  Kapag nakinig ka sa aking aralin, matututo ka.


PANGKATANG GAWAIN
Bilugan ang salitang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay at isulat sa patlang kung anong uri ng salita ito.
1.      Nainis ang guro sa kanya dahil maingay siya.
2.      Kung pagbabasehan ang kanyang galing, siya ay napakagaling sa Matematika.
3.      Kapag nainis ako sa iyo, iiwanan kita.
4.      Mahal na mahal ko siya kasi mabait siya sa akin.
5.      Umaga na nang magising ako.



Kulayan ng Rosas ang salitang binibigyang turing ng sugnay na Pang-abay at isulat sa patlang ang uri ng salitang ito.

        Nanalo sa larong Throwing si Keith kasi nagpractice siya ng mabuti. Masayang-masaya ang kanyang ina dahil isasali siya sa darating na Palarong Pambansa 2015. Agad na tinawagan niya ang kanyang asawang nasa Saudi upang ibalita ang pagkapanalo ng anak. Sobrang saya ng asawa niya nang malaman ang magandang balita. Ayon sa asawa, kapag manalo ulit ito sa Palarong Pambansa, ibibili niya ito ng discuss.



Kopyahin ang salitang binibigyang turing ng sugnay na Pang-abay sa Pangungusap at isulat sa patlang ang uri ng salitang ito.

                     Isang putok ang narinig ng isang babae habang naglalakad siya sa tabi ng BPI Sta. Rosa Laguna. Nang dumating ang mga pulis, nakita nila ang isang babaeng duguan. May tama siya sa kanang dibdib. Mabilis na dinala ng mga pulis sa malapit na ospital ang biktima upang maisalba ang buhay nito. Bago pa man makarating sa ospital, nawalan na ito ng buhay. Agad na tinawagan ang mga kaanak ng biktima. Malungkot ang mga anak ng biktima nang Makita nila ang walang buhay nilang ina. Samantala, ang nasabing bumaril sa biktima ay hindi pa rin nahuhuli hanggang sa ngayon.


created by: confusedmind