Tuesday, February 17, 2015

Pagkilala ng Salita at Uri ng Salitang Binibigyang-Turing ng Sugnay na Pang-abay

LAYUNIN

Natutukoy at nakikilala ang uri  ng salitang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay 

PAKSA
Salitang Binibigyang-turing ng Sugnay na Pang-abay 


GAWAIN/PAGSASANAY

Alin ang salitang binibigyang-turing ng sugnay na pang-abay? Anong uri ito ng salita? 
1.      Papasok siya sa paaralan nang maganap ang aksidente.
2.      Kung nag-aral siya ng mabuti, nakapasa sana siya.
3.      Dahil sa balita, agad siyang tumawag sa kanyang kapatid sa Cebu.
4.      Masayang-masaya ang mga Pinoy nang dumating ang Papa sa Pilipinas.
5.      Madalas mapagalitan si Noni kasi maingay siya.
6.      Habang nakikinig siya sa akin, binatukan siya ni Armando.
7.      Alerto ang mga bata tuwing may Earthquake Drill sa MES.
8.      Biglang natumba ang batang tumatakbo kasi di niya nakita ang bato sa dinadaanan niya.     
9.      Maingay sila nang umalis ang guro.
10.  Kapag nakinig ka sa aking aralin, matututo ka.


PANGKATANG GAWAIN
Bilugan ang salitang binibigyang turing ng sugnay na pang-abay at isulat sa patlang kung anong uri ng salita ito.
1.      Nainis ang guro sa kanya dahil maingay siya.
2.      Kung pagbabasehan ang kanyang galing, siya ay napakagaling sa Matematika.
3.      Kapag nainis ako sa iyo, iiwanan kita.
4.      Mahal na mahal ko siya kasi mabait siya sa akin.
5.      Umaga na nang magising ako.



Kulayan ng Rosas ang salitang binibigyang turing ng sugnay na Pang-abay at isulat sa patlang ang uri ng salitang ito.

        Nanalo sa larong Throwing si Keith kasi nagpractice siya ng mabuti. Masayang-masaya ang kanyang ina dahil isasali siya sa darating na Palarong Pambansa 2015. Agad na tinawagan niya ang kanyang asawang nasa Saudi upang ibalita ang pagkapanalo ng anak. Sobrang saya ng asawa niya nang malaman ang magandang balita. Ayon sa asawa, kapag manalo ulit ito sa Palarong Pambansa, ibibili niya ito ng discuss.



Kopyahin ang salitang binibigyang turing ng sugnay na Pang-abay sa Pangungusap at isulat sa patlang ang uri ng salitang ito.

                     Isang putok ang narinig ng isang babae habang naglalakad siya sa tabi ng BPI Sta. Rosa Laguna. Nang dumating ang mga pulis, nakita nila ang isang babaeng duguan. May tama siya sa kanang dibdib. Mabilis na dinala ng mga pulis sa malapit na ospital ang biktima upang maisalba ang buhay nito. Bago pa man makarating sa ospital, nawalan na ito ng buhay. Agad na tinawagan ang mga kaanak ng biktima. Malungkot ang mga anak ng biktima nang Makita nila ang walang buhay nilang ina. Samantala, ang nasabing bumaril sa biktima ay hindi pa rin nahuhuli hanggang sa ngayon.


created by: confusedmind


No comments:

Post a Comment